Magiging legal na ang operasyon ng ilang online sabong sites sa bansa.
Ito’y makaraang atasan ng Palasyo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bigyan na ng lisensya ang ilang sites na ito.
Ayon kay Atty. Jose Tria Jr. Senior Vice President ng offshore and online gaming ng PAGCOR, kailangang-kailangan talaga ng pamahalaan ng pondo ngayong may COVID-19 pandemic.
Maliban aniya sa hinahabol na income para sa COVID-19 response ng pamahalaan, hindi naman dapat naloloko o nadaraya ang mga tumatangkilik ng sabong sa online kaya kailangan talagang bigyan na sila ng lisensya.
Nabatid na limang kompanya na ang nag-apply ng lisensya ngunit dalawa pa lamang ang nabigyan ng “license to operate” na kinabibilangan ng Lucky 8 Star Quest Inc. ng Pitmaster Live at Belvedere Corp., dahil ang iba ay hindi pa nakakapagbayad ng kaukulang bayarin at buwis.