Nananawagan ang PAGCOR sa publiko na isumbong sa korporasyon ang mga e-sabong websites o mga website na nagsasagawa ng online sabong na kinabibilangan ng mga OFWs na nasa ibang bansa.
Ayon sa Gaming regulator, hindi pinapayagang tumaya sa online-sabong ang mga nasa labas ng bansa. Sinomang mahuling lumabag sa patakaran ay kailangang magbayad ng karampatang multa.
Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte kamakailan, inihayag ni Defense Secretary at NTF Chairman Delfin Lorenzana na hiniling sa kanya ng mga Pinoy sa Poland at Espanya na limitahan ang panahon sa pagsasagawa ng e-sabong sa bans dahil maraming OFW ang nalululong rito.—sa panulat ni Joana Luna