Itinanggi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang mga umanoy illegal clinics para sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator POGO) na hinihinalang may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Margarita Gutierrez, tagapagsalita ng Accredited Service Providers Association (APSAP) ng Pagcor ang mga lehitimong pogo service providers ay mayruong company clinics na pinapayagan at nag o operate batay sa mga batas sa bansa sa loob din ng kanilang opisina.
Sinabi ni Gutierrez na ang mga company clinics na ito ng POGO operators ay kumpleto sa mga kinakailangang safeguards at health protocols laban sa COVID-19.
Kasabay nito ipinabatid ni Gutierrez na ang POGO industry ay hindi lamang limitado sa Chinese nationals at sa katunayan ay mas marami pang mula sa Europa.