Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation na magpatupad ng moratorium sa pagpasok ng mga bagong casino sa Piliipinas.
Ito’y ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo ay para maiwasan ang pagkakaroon ng over supply nito sa industriya ng casino sa bansa.
Ibig sabihin ani Domingo, hindi na magpo-proseso ng mga aplikasyon ang PAGCOR para sa gaming licenses kung saan, may apat na aplikasyon ang nakabinbin sa ahensya na pawang nagmula sa lokal na negosyante.
Batay sa tala ng PAGCOR, aabot sa 88 Bilyong Piso ang kinita ng PAGCOR mula sa industriya ng casino sa unang bahagi ng 2017 o mas mataas ng labindalawang porsyento kumpara nuong 2016.
Posted by: Robert Eugenio