Muling tatanggap ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng mga aplikasyon para sa medical financial assistance simula bukas, Nobyembre 18.
Ayon sa inilabas na anunsyo ng ahensya, hihingi sila ng gabay sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na mas may karanasan sa paghawak at pagbibigay ng tulong pinansyal.
Anila, tanging mga aplikante na may guarantee letter mula sa PCSO ang kanilang aasistehan.
Samantala, handa naman magbigay ng rekomendasyon ang charity agency kung may patunay ang aplikasyong isusumite sa kanila.
Magugunitang inaresto ng mga otoridad ang isang mag asawa matapos magsumit ng mga pekeng dokumento para makakuha ng tulong sa PAGCOR.