Nagpaabot ng tulong ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pamilya ng limang rescuer na nasawi habang nasa kasagsagan ng kanilang operasyon bunsod ng pananalasa ng bagyong Karding sa San Miguel, Bulacan.
Nakatanggap ng tig-P100-K ayuda ang mga kaanak nina Narciso Calayag, Jr.; Jerson Resurreccion; Marby Bartolome; George Agustin; at Troy Justin Agustin bilang pagkilala ng pagcor sa kabayanihan at katapangan na ipinakita ng limang rescuer para sa kanilang serbisyo.
Nito lamang Setyembre a-30, namahagi rin ang PAGCOR ng relief packs para sa mga apektadong pamilya sa iba’t ibang lugar sa Luzon na pinadapa ng typhoon Karding.