Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na nagsasagawa na ito ng imbestigasyon hinggil sa alegasyon ng money laundering laban sa mga casino.
Ngunit, sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PAGCOR Asst. Vice President for Corporate Communications Ms. Maricar bautista na may sinusunod na patakaran o ‘rules’ ang PAGCOR upang matiyak na hindi maging kasangkapan ng mga sindikato ang mga gaming firms.
Kasunod ito ng napaulat na ginagamit umano ang mga casino winnings kung saan binibigyan ng certificate ng pagcor para palabasing napanalunan ito kahit sinasabing galing naman sa suspicious sources.
Gayunman, giit ni Bautista, nakahanda ang ahensya na makipagtulungan sakaling ipatawag sa anumang imbestigasyon ukol sa isyu ng money laundering.
“Ang pagkaka alam ko yung mga pera na pinapasok sa casino ay pinapalit to non-negotiable chips, pag sinabing non negotiable kailangan lauruin ang chips na ‘yun, kung ano ang winnings, ayun ang ipapalit sa pera.” paliwanag ni Bautista.
By: Jelbert Perdez