Nangako ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tatanggalan nila ng lisensya ang dalawa sa tatlong pogo company na nadiskubreng nasa likod ng ilang kaso ng kidnapping sa Pilipinas.
Sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kinilala ni PNP-Anti-Kidnapping Group Chief Col. Rodolfo Castil Jr ang mga pogo company na Xionwei; L.Y groundat Lucky South 99.
Pawang may lisensya anya ang mga ito na mag-operate sa bansa.
Kahapon ipinasara na ni Interior Secretary Benhur Abalos ang Lucky South matapos mailigtas noong Miyerkules ang apatnapu’t tatlong Chinese na biktima ng human trafficking.
Ang LY Ground at Xionwei company ay sangkot naman sa limang kaso ng pagdukot kung saan may naresolba ng isang kaso sa L-Y.