Nanindigan ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na tanging mga medical financial assistance applications na may referral letter lamang ang kanilang tatanggapin.
Ito ay matapos pansamantalang ipatigil ng ahensya ang financial assistance dahil sa mag-asawang nagsumite ng mga kahina-hinalang dokumento.
Ayon kay PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Jimmy Bondoc, nasa kanilang mandato na kailangan ay may referral mula sa opisina ng presidente at mga ahensyang may kinalaman sa kanila.
Samantala, bukas din ang ahensya na magbigay ng tulong sa may mga referral mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).