Pinawi ng PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation ang pangamba ng libu-libong empleyado ng Resorts World Manila (RWM) na tuluyan na itong magsara.
Ayon kay PAGCOR chair Andrea Domingo, maaari nang magbukas ang RWM sa sandaling makumpleto nila ang checklist ng mga protocols at security measures na dapat sundin sakaling may may mangyaring pag-atake na tulad ng naganap sa Resorts World Manila.
Sinabi ni Domingo na ang inihanda nilang checklist ay ipinamahagi na rin nila sa mga safety at security officers ng lahat ng casino sa bansa upang hindi na maulit ang trahedya sa RWM kung saan tatlumput walo katao ang nasawi kasama na ang suspek na si Jessie Carlos.
“Dito po sa Resorts World, talagang napakalungkot ng pangyayari, kaya lang iniisp ko rin ‘yung mahigit na anim na libong empleyado at libu-libo pang iba na mawawalan ng hanapbuhay, mga suppliers at mga support services. Iniisip din namin na ang laki rin ng pangangailangan ngayon ng ating pamahalaan, malaki rin ang nawawala sa gobyerno sa pagsasara ng Resorts World.” paliwanag ni Domingo sa panayam sa DWIZ
By Len Aguirre
PAGCOR pinawi ang mga pangamba sa pagsasara ng Resorts World was last modified: June 26th, 2017 by DWIZ 882