Tiniyak ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ipasasara ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Sa pagdinig ng house committee on games and amusement, sinabi ni Atty. Jose Tria Jr., acting assistant vice president ng Offshore Gaming and Licensing Department ng PAGCOR, kumikilos na ang PAGCOR kaugnay sa pagpapasara ng mga POGO na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Kanila na rin aniyang hiningi sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang listahan ng mga POGO na hindi pa nakakapagbayad ng kanilang buwis.
Noong nakaraang linggo ay tumaas ang koleksyon ng PAGCOR sa POGO industry, subalit pumalo naman sa P50-billion ang buwis na hindi nababayaran ng mga ito.