Wala munang ipapalabas na lisensya ang PAGCOR kaugnay sa operasyon ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.
Ipinabatid ito ni PAGCOR Chair and CEO Andrea Domingo na nagsabi ring ang moratorium ay tatagal hanggang sa katapusan ng taong ito.
Sinabi ni Domingo na nais nilang repasuhin muna ang mga exosing contracts ng POGO tulad ng employment na umaabot ang security na kanila na ring nasimulan, tatlong linggo na ang nakakaraan.
Kailangan din aniya ma monitor nila ang employment ng POGO na batay sa kanilang record ay nasa 130,000 na.
Gayunman, ipinabatid ni Domingo na bukas sila sa mga interesadong mamuhunan sa nasabing industriya mula sa Amerika at Europa na aniya’y malaking potensyal.
Nabatid na sa taong ito ay nasa apat na bilyong piso ang nakolekta ng PAGCOR sa POGO operations at target ng ahensya na maka kolekta ng walong bilyong piso.
Una nang nilinaw ni Domingo na nadatnan na lamang niya sa PAGCOR ang POGO na matagal nang nag o operate.