Paglabag sa mga regulasyong pang-seguridad ng Pilipinas ang pagdaan ng Chinese warships sa Sibutu Strait nang walang paalam.
Ayon kay Professor Jay Batongbacal, director ng U.P. Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, mahigpit ang mga panuntunan ng pamahalaan sa Sibuto Strait dahil doon nagaganap ang mga pamimirata at kidnapping.
Maituturing rin anyang double standard ang ginagawa ng China dahil sila man ay may panuntunan na dapat magpaalam bago pumasok ang mga dayuhang barko sa kanilang territorial waters.
Sinabi ni Batongbacal na isa ito sa dapat na banggitin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa sandaling makaharap nya si Chinese President Xi Jinping.
Gayunman, ang mga mas detalyadong pag-uusap anya hinggil dito ay dapat gawin ng Defense departments ng dalawang bansa.
Ang problema lang siguro ay, hindi sila man lang nagbibigay ng notice na dadaan sila, it is a requirement of the Philippine government at kahit sa China, requirement nila ‘yon sa mga foreign vessels no, sa sarili nilang katubigan. Kaya parang lumalabas ay double standard, no. Hindi nila ginagawa dito ‘yung pinapagawa nila sa ibang bansa, sa sarili nilang mga katubigan kaya siguro nire-raise ng DFA ‘yan, ani Batongbacal.
Balitang Todong Lakas Interview