Overacting para kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Public Affairs ang balak ng mga pulis na magdala ng Bibliya at Rosaryo sa pagsasagawa ng Oplan Tokhang.
Ayon kay Secillano halata lamang na isa itong palabas kaya’t hindi na ito kailangan pang gawin ng mga “tokhangers”.
Magugunitang isa sa nangungunang bumabatiko sa Oplan Tokhang ay ang Simbahan dahil sa paniniwalang dumadanak ang dugo dito.
Una nang sinabi ni Eastern Police District Director, Chief Supt. Reynaldo Biay na mabisang armas ang banal na aklat at Rosaryo para hindi maisip ng mga pupuntahang drug personalities na manlaban pa sa mga pulis.