Hindi obligadong magdala ng vaccination cards at magpa-booster shot kontra COVID-19 ang mga botante para makaboto sa May 9 elections.
Ito ang inihayag ni Commission on Elections Commissioner George Garcia kung saan labag umano sa batas na hingan ng vaccination cards ang mga botante.
Dagdag ni Garcia, walang batas para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.
Aniya, constitutional right ng bawat indibidwal ang pagboto.
Bukod dito, nilinaw ni Garcia na fake news ang mga kumakalat sa social media na kailangan ng booster shots ng mga botante para makaboto sa eleksyon.