Kinuwestyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang tila pagdadalawang isip ng PNP at PDEA para ibigay sa Bise Presidente ang listahan nito ng high value targets sa isyu ng war on drugs.
Binigyang diin ni Atty Barry Gutierrez na alam ng Pangalawang Pangulo na isa ring abogado kung paano pangalagaan ang government information laban sa mga kriminal at grupo ng mga ito.
Binalikan ni Gutierrez si PDEA Director Aaron Aquino at tinanong ito kung interesado bang tumulong kay Robredo sa war on drugs matapos sabihing hindi bahagi ng mandato ng Vice Presidente ang paghawak ng listahan ng high value targets.
Hindi aniya nila maintindihan kung bakit ano ang big deal sa paghingi ng listahan ni Robredo gayung itinalaga itong pangunahan ang anti-drug war ng gobyerno.