Minomonitor na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang sitwasyon sa EDSA bus carousel.
Ito ay matapos ibalik na ng LTFRB sa 550 ang bilang ng mga bumibiyaheng bus sa carousel na dating bilang nito.
Ayon kay Joel Bolano, Technical Division Head ng LTFRB, simula kahapon ay mahigpit na nilang binabantayan ang sitwasyon sa mga terminal ng EDSA busway upang malaman kung kailangang magdagdag ng unit.
Sinabi rin ni Bolano na tinitingnan ng ahensiya ang pagdaragdag ng mga ruta para sa mga bus na nagdurugtong sa mga distrito ng negosyo.
Matatandaang batay sa board resolustion na inilabas ng LTFRB kahapon, binawasan ang higit 700 bumibiyaheng bus sa EDSA dahil sa kawalan ng pondo at pagtatapos ng Libreng Sakay Program.