Kinontra ni Sen. Imee Marcos ang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan ang tax sa tobacco.
Ayon kay Marcos, isa sa pangunahing produkto ng Ilocos Norte ang tobacco at sa tingin niya ay sapat naman ang ipinapataw na buwis dito.
Giit pa ni Marcos, dalawang beses nang nagkaroon ng pagtataas sa buwis sa tobacco.
Magugunitang noong nakaraang buwan, inaprubahan ng Senado ang panukalang magdadagdag sa presyo sigarilyo sa susunod na apat na taon.
Pabor naman dito ang Department of Health dahil posible anilang magresulta ito para mabawasan na ang naninigarilyo sa bansa.