Nakatakdang makipagpulong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Hernando Iriberri sa mga opisyal ng Western Mindanao command para sa planong dagdag na tropa sa Sulu.
Ayon kay AFP Public Affairs Chief Col. Noel Detoyato, ito ay upang solusyunan ang lumalalang problema ng kidnapping at terorismo sa lugar.
Una nang nagpahayag si Chief of Staff Iriberri kaugnay sa mga nangyaring roadside bomb attacks na kagagawan ng Abu Sayyaf sa Basilan.
Sa ngayon ay may 12 mga kidnap victims pa ang hawak ng ASG kabilang ang ilang mga banyaga at mga lokal na bihag.
By Rianne Briones