Naghahanda na ang Bureau of Customs (BOC) para sa pagdagsa ng mga package ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) para sa panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan, nakipagpulong na ito sa mga opisyal ng D.H.L Express para talakayin ang mga kaayusan para sa mabilis na pagpapalabas ng malaking bulto ng maliit na parcel sa darating ngayong Bermonths.
Tiniyak ng DHL Express na magdadagdag ng mga tauhan at patuloy na makikipag-ugnayan sa BOC-NAIA para sa mabilisang pagproseso at pagpapalabas ng mga import ng regalo mula sa ibang bansa.
Handa na ang BOC-NAIA kaya naman magsasawa ng proactive na hakbang para matugunan ang mga inaasahang isyu at alalahanin. —sa panulat ni Jenn Patrolla