Inaasahan ng Philippine Port Authority (PPA) ang pagdami ng mga nagpapadala ng mga kargamento o balik-bayan box sa holiday season.
Ayon kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, nagsimulang dumami ang ipinadadalang balikbayan boxes noong Oktubre at inaasahang magtatagal hanggang Pebrero.
Batay datos, tumaas ito ng 7.16% simula Enero hanggang Oktubre ang nagpadala ng mga package.
Tumatagal naman anya ng isa hanggang dalawang buwan bago maihatid ang kargamento sa pamilya ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Samantala, nakikipagtulungan na ang Bureau of Customs sa mga lokal na kumpanya para maghatid ng libu-libong balikbayan boxes na inabandona ng mga foreign courier services sa recipient. —sa panulat ni Jenn Patrolla