Itinuturing ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na banta sa seguridad ng bansa ang pagdagsa ng mga Chinese national sa Pilipinas.
Ayon kay Lacson, dapat ay bantayan at higpitan ang pagpasok ng mga Chinese sa bansa.
Maging ang mga kilos aniya ng mga ito ay dapat na mino-monitor.
Pinaboran din ni Lacson ang balak ni DFA Sec. Teodoro Locsin Jr. na pagbawalan ang pagbibigay ng Philippine visa sa mga Chinese tourist.
Tama lamang umano na kapag nais nilang magtungo sa bansa, sa embahada ng Pilipinas sa Beijing, China kumuha ang mga ito ng visa.