Aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi nababantayan ang pagdagsa ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III nakatakda silang magpulong ng Department of Justice (DOJ) upang pag-usapan ang pagbawi ng DOLE sa kapangyarihang mag-release ng permit para makapagtrabaho ang isang dayuhan.
Una rito, pinuna ng ilang organisasyon ang di umano’y paglobo ng mga dayuhang manggagawa sa bansa sa harap ng patuloy namang pag-a-abroad ng mga Pinoy para magtrabaho.
(Karambola Interview)