Ikinakasa na ng provincial government ng Aklan ang hakbang upang mapigilan ang pagdagsa ng mga dayuhang iligal na nagtatrabaho sa isla ng Boracay.
Nakatakdang bumuo ang lokal na pamahalaan ng konseho matapos makatanggap ng ulat na nasa dalawanlibong (2,000) illegal foreign workers ang nasa isla.
Aatasan ang konseho na manghuli ng mga illegal foreign worker sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration (BI) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa datos ng BI at DOLE, nagtatrabaho ang mga nabanggit na dayuhan sa construction, hotel services at tour sectors.
—-