Naitala ng Philippine Coast Guard ang mahigit dalawang libong (2,109) outbound passengers at higit isang libong (1,254) inbound passenger sa lahat ng pantalan sa bansa ngayong Oktubre 29.
Ayon sa PCG, unanilang isinailalim ang mga districts, stations, at sub-stations sa ‘heightened alert’ mula ngayon hanggang Nobyembre 4 upang pamunuan ang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi ng probinsya ngayong Undas.
Bukod dito, nagtalaga na rin ang PCG ng frontline personnel sa 15 PCG districts, kung saan 49 na mga sasakyang pandagat ang nainspeksyon na.
Hinikayat naman ng ahensya ang mga byahero na suriing mabuti ang mga ipinatupad na ordinansa ng kanilang destinasyon hinggil sa mga kinakailangang dokumento ng LGU. —sa panulat ni Airiam Sancho