Nababahala ang national security adviser ng Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagdagsa ng mga Chinese nationals sa Pilipinas.
Ayon kay Secretary Hermogenes Esperon, dapat malaman kung nakakatulong ba ang mga ito sa ekonomiya ng bansa o kung banta ba sila sa seguridad.
Hindi rin anya mai aalis na dahil sa dami ng mga Chinese nationals na pumapasok sa bansa posibleng marami sa kanila ay walang tamang dokumento.
Matatandaan na sa hearing ng senado noong nakaraang taon, natuklasan na kalahating porsyento ng mga alien employment permit na ibinigay ng Department of Labor ay napunta sa mga Chinese nationals.