Kahit patapos na ang Holy Week, marami pa rin sa ating mga kababayan ang humahabol upang magbakasyon.
Sa inilabas na datus ng Department of Transportation (DOTr) malasakit help desk, naitala ang pinakamaraming byahero sa Western Visayas na may 18,087; pangalawa ang Central Visayas na may 17,355 at pangatlo ang Southern Tagalog na pumalo sa 15,177.
Ngunit ayon sa DOTr, asahan nang ngayong araw o mamayang gabi ay mas tataas na ang bilang ng mga pasaherong magsisibalikan sa kani-kanilang mga lugar.
Samantala, siniguro naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagagampanan parin nila ang iba pa nilang trabaho, kahit nakatutok sa mga pantalan ang karamihan sa kanilang mga tauhan.
Inihayag naman ni Coast Guard Spokesman Capt. Armand Balilo, na ang mga auxiliary force ng PCG ang nagsasagawa ngayon ng mga pagpapatrolya sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.