Asahan na ang pagdagsa ng mas maraming mamimili sa ilang bahagi ng Metro Manila, 114 na araw bago ang Pasko.
Kabilang sa mga dinumog ng mga mamimili ang Divisoria, Maynila at Baclaran, Pasay sa unang araw pa lamang ng Setyembre.
Bukod sa Divisoria, dinagsa rin ang Carriedo sa Quiapo dahil nataong Biyernes, Simbang Nazareno at ka-su-suweldo lamang ng mga mamimili.
Hinigpitan naman ng Manila Police District ang seguridad sa mga nabanggit na lugar.
Pinayuhan din ng MPD ang mga motorista na maghanda sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa C.M. Recto avenue partikular sa Divisoria, Rizal Avenue at Quezon Boulevard lalo kapag malapit na ang Pasko.
By: Drew Nacino
SMW: RPE