Ikinababahala umano ng China ang posibleng pagsiklab ng mga kilos-protesta laban kay President Xi Jinping sa APEC Summit sa susunod na linggo.
Ito’y bunsod pa rin ng territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Bagama’t wala naman umanong nakakalap na direktang banta sa seguridad, mas nababahala umano ang Chinese leader sa mga rally.
Ang pangulo ng China ay inaasahang darating sa Maynila sa November 17.
Nagtungo na rin ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police o PNP sa embahada ng China kung saan tiniyak nito ang kaligtasan ng kanilang lider.
By Jelbert Perdez