Nagsimula na kaninang umaga ang matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA, NLEX at SCTEX.
Bunsod ito ng pagdagsa ng libo-libong pasahero at motoristang uuwi sa mga probinsya para sa undas na sinabayan pa ng convoy dry run para sa 2017 ASEAN Summit.
Nagsimula ang convoy sa Clark, Pampanga kaninang alas 6:00 at dumaan sa SCTEX at NLEX southbound na umabot hanggang tanghali.
Gaya ng mga nakaraang dry run, nagsagawa rin ng stop and go scheme sa mga sasakyang nakasabay ng convoy.