Inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa LRT line 1 (LRT-1) dahil sa Traslacion, ngayong araw, ika-9 ng Enero.
Ayon sa pamunuan ng LRT-1, inaasahan nilang puno ang lahat ng mga tren sa United Nation Station, Central, Carriedo at Doroteo Jose.
Anila, papayagang makasakay ang mga deboto na lalahok sa Traslacion na nakayapak.
Samantala, mayroon namang nakaantabay na mga volunteers mula sa Philippine Red Cross sa Carriedo Station.