Inaasahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mas maraming pasaherong dadagsa sa mga paliparan.
Ito’y ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, kasunod ng pagdiriwang ng kapaskuhan at pagluwag ng restrictions.
Sinabi sa DWIZ ni Apolonio na halos dalawang taong pagkaka-tengga ng mga Pilipino sa loob ng kani-kanilang mga bahay dahil sa mga health protocols at serye ng lockdown dulot ng pandemic.
Ngunit tiniyak ni Apolonio ang kahandaan nila sa pagseserbisyo sa mga byahero. – sa panulat ni Hannah Oledan