Inaasahan pa ang pagdagsa ng libu-libong pasahero sa mga terminal para bumiyahe upang makapiling ang kani-kanilang mahal sa buhay sa Pasko.
Ayon kay Ramon Legaspi, Port Manager ng Araneta City Bus Station, tinatayang aabot sa 8,000 ang bilang ng mga pasaherong bibiyahe sa kanilang mga terminal.
Handa naman na umano sila sa pagbibigay ng assistance gaya ng pamamahagi ng libreng pagkain sa mga magpapalipas ng gabi sa istasyon dahil sa pagkaantala ng byahe bunsod ng matinding daloy ng trapiko o posibleng aberya sa kalsada.