Masusing babantayan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang pagdagsa ng mga migratory birds sa Carigara Bay at Ormoc Bay Wetlands sa Leyte.
Ayon kay DENR Asssistant Regional Director for Technical Services Carlito Tuballa, sa loob ng buwan na ito ay inaasahang magdadatingan sa mga naturang lugar ang mga ibon.
Sinabi ni Tuballa na ang mga migratory birds na dumadayo sa Leyte mula sa ibang bansa tuwing unang quarter ng taon ay regular na mino-monitor ng DENR.
Sa ganitong paraan, idinagdag ni Tuballa ay matitiyak na walang manghuhuli ng mga dayong ibon na ipinagbabawal sa ilalim ng Wildlife Protection and Conservation Act at National Integrated Protected Areas System Act.
By Jelbert Perdez