Last resort na lamang o huling hakbangin ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga hindi pa bakunado na maggigiit na lumabas pa rin.
Ayon ito sa DILG matapos nilang atasan ang local officials na bawasan base sa batas, ang galaw ng mga indibidwal na wala pang bakuna.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang nasabing hakbangin ay para ma protektahan ang mga hindi pa bakunado mula sa COVID-19 sa gitna na rin nang pagsirit pa ng kaso ng nasabing virus.
Ang mga hindi pa aniya naturukan ng COVID-19 vaccine ay mas kritikal ang kondisyon at malaki ang posibilidad na ma-ospital kaya’t hindi dapat ma overwhelm ang health care care system ng bansa.