Nababahala sa napapadalas na pagbagsak ng operasyon ng mga planta ng kuryente ang National Grid Corporation of the Philippines ngayong tumitindi ang init ng panahon at papalapit ang halalan.
Iginiit naman ng Department of Energy (DOE) na sapat ang supply ng kuryente.
Gayunpaman ay nakakasa na ang mga proyekto na interruptible load program at portable red lights ng Meralco, na makakabawa umano sa konsumo ng kuryente.
Ngunit sa kabila ng paghahanda, hindi matiyak ng Meralco na walang brownout sa araw o linggo ng eleksiyon dahil depende parin umano ito sa supply na manggagaling sa mga planta ng kuryente. — sa panulat ni Mara Valle