Inanunsiyo ng Malacañang na kanselado ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa Luna, Apayao ngayong araw, Hulyo 15.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, ito’y dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng tropical depression Dodong.
Si PBBM ay nakatakda sanang dumalo sa pagdiriwang ng 36th Cordillera Day.
Subalit nabatid na inirekomenda ng Presidential Security Group (PSG) kay Pangulong Marcos na kanselahin na muna ang biyahe dahil sa masamang panahon.
Sakop ng Cordillera Administrative Region (CAR) ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province at Baguio City.