Very successful para kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagdalo niya sa 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na ginanap sa San Francisco, California mula November 14-16, 2023.
Sa APEC Summit, maraming tinalakay na key issues at topics ang iba’t ibang bansa, kagaya na lang ng climate change, food and energy security, at artificial intelligence (AI). Dahil din sa naturang pagpupulong, maraming investments at technological advancement commitments ang nakuha ng Pangulo na tiyak na makatutulong sa Pilipinas.
Una rito ang pagkakaroon ng internet satellite sa Pilipinas. Naging posible ito matapos na pormal na lagdaan ng Astranis Space Technologies Corp. at Orbits Corp. ang kasunduan na maglulunsad ng MicroGEO satellites. Nakatakdang ilunsad ang internet satellite na tatawaging ‘Agila’ sa unang quarter ng 2024 na mapakikinabangan ng higit sa 10 million users at 30,000 barangays. Inaasahang lilikha ang programang ito ng mahigit 10,000 na trabaho para sa direct at indirect employees and partners.
Bukod sa internet satellite, naka-secure din si Pangulong Marcos ng AI-powered weather forecasting system para sa Pilipinas. Sa sidelines ng APEC Summit, sinaksihan ng Pangulo ang paglagda ng Department of Science and Technology (DOST) at ng leading AI meteorology company sa Amerika na Atmo, Inc. sa memorandum of agreement (MOA) na inaasahang magpapataas ng kalidad ng weather forecasting system at magpapatatag ng climate resilience ng bansa.
Magugunitang nakararanas ang Pilipinas ng humigit-kumulang 20 bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa imprastraktura at agrikultura at pagkawala ng mga ari-arian at buhay. Sa paggamit ng AI-powered weather forecasting system, mapapahusay ang kakayahan ng pamahalaan na tumugon sa weather-related events, na siyang makatitiyak sa kaligtasan ng mga Pilipino.
Sa kabuuan, nakakuha ng higit sa $672.3 million investment pledges si Pangulong Marcos para sa mga sumusunod na sektor:
- Telecommunications – $400 million
- Semiconductor and electronics – $250 million
- Pharmaceutical and healthcare – $20 million
- AI-powered weather forecasting system – $2 million
- Renewable energy – $0.3 million
Matatandaang sa ginanap na Philippine Economic Briefing (PEB) noong November 15, 2023, sinabi ng Pangulo na handa na maging leading investment hub of Asia ang Pilipinas. Sa patuloy na panghihikayat ni Pangulong Marcos sa investors sa kanyang foreign trips, makakaasang mas uunlad ang teknolohiya at mas sisigla pa ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.