Mahalaga para sa bansa ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Association of Southeast Asian Nations – European Union Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.
Ito ang sinabi ni DFA-Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu na Country Coordinator of ASEAN ang Pilipinas at mananatili ang responsibilidad na ito ng bansa hanggang sa susunod na dalawang taon.
Aniya, mahalaga din ang naging papel ng pangulo kaugnay sa preparasyon ng ASEAN-EU.
Samantala, kasabay ng naturang summit ang ika-45th anniversary ng ASEAN-EU Relations matapos na maitatag noong 1977.