Posibleng imbitahin si Pangulong Benigno Aquino III sa muling paggulong ng imbestigasyon ng senado sa Mamasapano incident.
Ayon kay Senator Juan Ponce Enrile, ito ay upang matanong ang pangulo sa kanyang ginawa o hindi nagawa na nagdulot ng pagkakapaslang sa 44 na mga miyembro ng PNP Special Action Force.
Matatandaang hiniling ni Enrile ang reinvestigation sa Mamasapano incident dahil umano sa mga bagong impormasyon sa naturang kaso.
By Rianne Briones