Sasamantalahin ng gobyerno ang pagdalo ni US Secretary State Rex Tillerson sa ASEAN Regional Forum para maitama ang maling impresyon ng Estados Unidos hinggil sa sitwasyon ng human rights sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na pahayag ng DFA o Department of Foreign Affairs, magandang pagkakataon ito para tugunan ng pamahalaan ang concerns ng US Secretary at linawin ang mga persepyong batay lang umano sa media reports.
Nakatakdang dumating mamayang gabi si Tillerson at may tentative schedule na pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.
Hindi naman makumpirma ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kung matutuloy ang meeting nina Pangulong Duterte at Tillerson sa sidelines ng ASEAN Regional Forum ngunit sakaling matuloy aniya ay tiyak itong magiging tapatan at prangkahan.