Inamin ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na isang emergency situation ang pagdami ng mga basura sa Metro Manila.
Ayon kay Environment Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda, nakakabahala na ang sangkaterbang basura na nakokolekta hanggang sa kasalukuyan matapos manalasa ang habagat sa Metro Manila.
Tinukoy ni Antiporda ang napakaraming basura na inanod ng malalaking alon ng manila bay patungong Roxas Boulevard nuong nakalipas na pag ulan.
Sinabi ni Antiporda na kailangang matugunan na ang problema sa basura sa lalong madaling panahon lalot ang mga kalat na ito ay isa rin sa pangunahing dahilan ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila.
Dahil dito umapela ang DENR sa local government units na tutukan na ang solid waste problema at turuan din ang kani kanilang mga constituent sa tamang pagtatapon ng mga basura.
Bagong proyekto ng DENR kasado na
Kasado na ang sisimulang proyekto ng DENR para mahimok ang mga kabataan na makipagtulungan din ang problema sa basura.
Sa nasabing segregation project, ang mga bata ay mag iipon ng mga basura na bibilhin ng mga junk shop na dadalhin naman sa accredited recycling areas.
Ang proyektong “mga batang mag iipon ng basura” ayon sa DENR ay paraan din para magka baon ang mga bata at makakatulong pa sa kalikasan ang mga ito.
Katuwang ng DENR sa naturang proyekto ang mga eskuwelahan at LGUs at hinihimok din ang mga nasa pribadong sektor na tumulong.
—-