Tuluy-tuloy ang pag-akyat ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa walong syudad sa National Capital Region (NCR).
Ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III bagamat hindi naman tinukoy kung anu-anong mga lungsod sa Metro Manila ang patuloy ang pagsirit ng COVID-19 cases.
Maliban sa walong lungsod sa NCR, ipinabatid ni Duque na umaakyat din ang kaso ng COVID-19 sa Region 7 o Central Visayas at Caraga Region.
Gayunman, inihayag ni Duque na sa pangkalahatan ay nakakaranas na ng pagbaba ang COVID-19 cases sa buong bansa.