Bumabagal na ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila ngayong Mayo, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa datos ng DOH, nakapagtala ng -39% sa nakalipas na 2-week COVID-19 growth rate sa National Capital Region (NCR), mababa ito kumpara sa -46% noong ika-2 hanggang ika-15 ng Mayo.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ibig sabihin nito ay bumagal na ang pagdagdag o paglaki ng kaso ng nakahahawang sakit.
Kasabay nito, nanawagan si Duque sa mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng localized o granular lockdowns para magtuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.