Nararamdaman na umano ang hindi magandang epekto ng K to 12 program.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Public Information Officer Raymond Basilio, nangyayari na ang kinatatakutan nila na pagdami ng bilang ng mga ‘dropouts’.
Giit ni Basilio, batay umano sa tala ng mga enrollees, hindi nag-enroll sa senior high school ang maraming mga nakapagtapos ng junior high school.
Bahagi ng pahayag ni ACT PIO Mr. Raymond Basilio
By Jelbert Perdez | Karambola