Matapos ideklara ng PAGASA ang rainy season nitong Mayo a-18, dumagsa na sa mga kabahayan ang mga Gamu-gamo na senyales nang nalalapit na tag-ulan.
Pero ano nga ba ang mga paraan upang paalisin ang mga Gamu-gamo?
Una; gumamit ng makakapal na kurtina sa mga bintana na dapat laging nakasarado. Naaakit kasi ang Gamu-gamo sa ilaw kaya makakatulong ang palagiang pagsara ng bintana.
Pangalawa, maghanda ng mangkok na may tubig at itapat dito ang ilaw para sa tubig dumiretso ang Gamu-gamo at hindi na makalipad.
Pangatlo, maliban sa ilaw ay naaakit din ang Gamu-gamo sa cellulose at humidity kaya nakakatulong dito ito para ma-trap ang Gamu-gamo.
Pang-apat, maaari ring gumamit ng electric insect killer.
At panghuli, sign din ng pagkakaroon ng termites ang Gamu-gamo kaya mabuting ipasuri ang bahay sa mga eksperto.