Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Francis “Kiko” Pangilinan dahil sa pagpasa nito sa Juvenile Offenders Act.
Isinisi ng Pangulo kay Pangilinan kung bakit dumami ang mga kabataang nasasangkot sa iba’t ibang krimen dahil hindi sila maaaring papanagutin sa ilalim ng nasabing batas.
Giit ng Pangulo, tila binigyan lamang ni Pangilinan ng pagkakataon ang mga sindikato ng droga para gamitin ang mga kabataan sa kanilang masasamang Gawain.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Paliwanag ng Pangulo, kinopya lamang ni Pangilinan ang nasabing batas sa New York sa Amerika kung saan, dinadala sa isang correctional facility ang mga kabataang nakagagawa ng karumal-dumal na krimen.
Ngunit iba aniya ang ipinasang bersyon ng nasabing batas dito sa Pilipinas kung saan, pinakakawalan at ibinabalik sa magulang sa halip na isinasailalim sa reporma ang mga kabataang nagkasala sa batas.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)