Nangangamba ang International Committee of the Red Cross (ICRC) sa pagdami ng napapaulat na pag-atake sa mga health workers na nangunguna sa paglaban sa COVID-19.
Ayon sa ICRC, umabot sa 611 ang mga tanggap nilang ulat ng karahasan laban sa mga health workers, maging sa mga pasyente nauugnay sa pandemya.
Ang datos umanong ito ay mula sa 40 bansa sa pagitan ng buwan ng Pebrero at Hulyo.
Anila posibleng hindi pa ito ang tunay na bilang ng mga karahasang nangyayari o nararanasan ng mga health workers sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nakalulungkot umanong isipin na sa panahong ito ay nalalagay ang kaligtasan ng mga health workers sa alangain kung kailan higit silang kailangan ng mundo