Hindi na ikinagulat ng isang senador ang pagdami ng mga bangkay sa punerarya sa Muntinlupa City, na hindi na kinukuha ng kanilang mga pamilya.
Sa panayam ng DWIZ kay senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi nito na normal na para sa kaniya ang pagdami ng labi sa Muntinlupa dahil wala nang kamag-anak ang nais kumuha sa mga ito.
Si Dela Rosa ay namuno noon bilang director ng Bureau of Corrections kaya batid na nito ang pasikot-sikot sa loob ng tanggapan.
Sang-ayon naman si Dela Rosa na isailalim sa otopsiya ang mga bangkay upang malaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.