Hihilingin ng Pilipinas sa China na ipaliwanag ang biglaang pagdami ng mga Chinese fishing vessel sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal.
Ito’y ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kasunod ng ulat ng Philippine Air Force (PAF) kasunod ng isinagawa nilang aerial inspection nitong Sabado.
Ayon sa report ng Air Force, apat na malalaking barko ng Chinese Coast Guard at dalawang maliliit na troop ships ang nakabantay sa paligid ng bahura.
Una nang ibinunyag ni Lorenzana ang plano ng China na tambakan ang Panatag Shoal upang gawing artipisyal na isla.
By Jaymark Dagala